Isang napakagandang katanungan. Mayroong iba’t ibang uri ng kasagutan sa katanungang ito. Ang isasagot ng ibang tao dito ay “Walang Dios” ngunit ang iyong kasagutan sa tanong na ito ang magpapakita ng uri ng trato mo sa iyong kapwa at magdadala sa iyo sa walang hanggan kalalagayan ng iyong kaluluwa. Ang ating paniniwala sa Dios ang siyang magpapahayag kung tayo ay sumasamba talaga sa Dios o sa ating sarili lamang. Kung mahal natin ang Dios, samakatuwid mamahalin natin ang ating kapwa. Mayroong tatlong pangunahing relihiyon sa mundo, Sila ay magkakasalungat sa isa’t isa at samakatuwid, hindi sila maaaring maging pare-parehong tama!
Hayaan mong ipaliwanag ko:
Sabi ng Kristianismo, “Ang Dios ay namatay at nagdusa para sa atin”
Sabi ng Islam, “Ang tao ay dapat mamatay para sa Dios”
Sabi ng Hinduismo. “Ang dios ay kung ano ang iyong binuo sa iyong pag-iisip”
Sabi uli ng Kristianismo, “Ang Dios ang Siyang lumikha sa tao”
Ang Islam ay pagsamba sa sarili
Ang Hinduismo ay pagsamba sa sarili
Ang Kristianismo ay nagpapakita ng biyaya ng Dios
Sa sarili pagsamba ay sinusubukang gawin para sa Diyos kung ano ang Diyos ay nagawa para sa iyo!
Biyaya ng Diyos paggawa para sa iyo kung ano ang hindi mo maaaring gawin para sa iyong sarili!
Sapagkat sa biyaya kayo ay nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya at ito ay hindi sa inyong sarili, ito ay kaloob ng Dios- Ephesians 2:8. Lahat tayo ay nakagagawa ng pagkakamali at ang ating pinakamasamang pagkakamali ay tanggihan ang Panginoong Hesu-Kristo bilang ating Tagapagligtas. Tinanong ni Hesus si Pedro, “Datapwat, ano ang sabi ninyo kung Sino Ako?” Sino si Hesu-Kristo sa pagkakasabi ninyo? Tingnan at basahin ang Mateo 16:16. Kung ano man ang iyong magiging sagot sa napakahalagang katanungang ito ng iyong buhay ang mismong magtatalaga ng iyong pang nakaraang buhay, pang kasalukuyan at panghinaharap na buhay. Ano ang sinasabi mo kung sino si Hesus?
Mahal ka ni Hesu-Kristo.
GodWhoIsGod.com
Want to know more? Click here for more information.